to all players,

kung ayaw nyo maiscam huwag makipag trade or transaction sa player na dinadaan sa "load first, account first, item first and money first"



bakit may "first" sa ganyan klaseng transaction? Dahil hindi nyu nakikita ang bawat isa or in person. Sa ganito bagay po asahan na 99% ng resulta ay mapupunta sa "scam"



kung ang isang tao nagdeal sa ganito transaction, impossible po na hindi nya naiisip na possible sya maiscam. Ang tanong bakit magsusugal ka sa bagay na possibleng pagsisihan mo? Sagot ay dahil pinili mo or ginusto mo na mangyari sa inyo ang ganyan pangyayari.



sa ganito issue walang ibang tao ang dapat mo isisi dahil sarili mo desisyon yun, tanong bakit napupunta sa admin or gm ang ganito issue? Dahil ba sya ang maari makabawi ng bagay na yun? Mali po yan sir/mam. Sa online game po pag naiscam ka hindi po talaga responsilidad yan ng staff ng game. Bakit? Dahil ang ganito issue sa pagitan ng bawat player ay hindi kagustuhan or inutos or pinayagan ng staff ang bawat panig sa issue. Sa madaling salita ang ginawa mo po ay "illegal trading" sa isang online game.



sa paalala po na ito ay sana po ay maging malinaw na po sa inyo ang issue na ito at maging leksyon.




maraming salamat po.